Powered By Blogger

2/14/2012

My Valentine (isa na lamang alaala)


Valentine?

Para sa mga bitter sagot nila. Ano ‘yan? Nakakain ba ‘yan?

Sa mga single, sasabihin nila, oi Happy Independence Day.

Sa tipikal na magkarelasyon, ay sige, lalabas, kakain, me tsokolate, me rosas, at me mga kung anu-anong regalo.

Pero sa’min ni beloved Katherine?


Me trabaho kasi siya, ikatlong Valentine na naming ito na magkasama, iyong mga nakaraang dalawa hindi naming naramdaman, teka, espesyal nga ba ang araw ng mga puso o pauso lang ng mga dickheads ‘to? Pero sige papatulan ko na. No’ng unang Valentine namin, it wasn’t that good, kasi medyo nag-away kami no’n. Ang kasama niya e mga tropa naming babae at as usual kaming mga lalaki e nag-inuman na lang. Shit, nasira ko pa iyong microphone ng videoke bar na pinag-inuman naming, pero pasekreto naming iyong nilagyan ng mighty bond, tapos voila, hindi nila nahalata at ‘di kami pinagbayad! Ikalawang Valentine, medyo hindi rin gaano, although magkasama kami. Kasi me acoustic night na ginawa iyong student organization na sinalihan niya, e isa siya sa mga kumakanta, kaya ayon naging abala siya.


Tapos ngayong araw e me trabaho siya, at gagabihin siya, so expected ko nang wala na naman gagawin. Tanghali na gising ko, tapos andoon na siya sa pinagtatrabahuan niya, hapon na pero hindi pa rin tapos, so itinulog ko na lang like an ordinary day. Marami rin akong natatanggap na mga text messages about Valentine, me mga masayang bumabati, me mga nagi-inarte kasi walang kasama, me mga epal na kung anu-ano ginagawa para lang sumaya sila, pero ako natulog ako, bahala na! Wala naman talaga kaming plano magselebreyt, kahit sinabi sa’kin ni beloved Katherine na sana e maselebreyt namin ng maayos ‘to. Sa kahimbingan ng tulog ko, narinig ko iyong selpon ko, me tumatawag, pagtingin ko si beloved Katherine, tapos pinutol niya. Nagbasa ako ng mga texts niya, maaga sila natapos, pinauwi na sila agad, so sabi niya labas daw kami, nag-check ako ng laman ng wallet, ay putang bitch! Tatlong pisong barya na lang pala. Sabi ko, saan kami pupunta at tinanong ko rin kung dala niya ba iyong perang pinatago ko sakanya, e hindi pala, sabi niya babalikan pa niya, hassle ‘yon kasi 5:30 ng hapon na, makakarating siya ng bahay nila 7:00 siguro, at makakabalik siya mga 8:00 na, so gabi na, kaya sabi ko punta na lang siya dito sa bahay. Bigla na lang ako nakaisip ng malupit na ideya. Sabi ko nga, I have millions of ways to make a girl fall in love with me, but I will do it with the only girl I love, and that’s her!

Tumayo ako agad, naligo, tapos naghanap ng mga p’wedeng gamitin. Nagluto ako, naglinis ng bahay.


Pagdating niya, patay ang ilaw. Pumasok siya, nakita niya akong naka-long sleeves na green pero na short at tsenelas lang, natawa siya. Tapos pinatugtog ko iyong theme song namin na No Ordinary Love, saka ko inibaba iyong bag niya, kinuha iyong kamay at ipinatong sa balikat ko’t isinayaw siya. Korni na kung korni, pero naging magical ang lahat. Habang nakangiti kaming sumasayaw, sabi niya, wala bang petals? Dinampot ko iyong mga petals saka ko sinabog sa kalangitan, nagmukha tuloy parang pelikula ang lahat, dinala ko siya sa kusina. Nakita niya iyong rose candle na nasa bote ng wine, astig ‘di ba? Dinner with a candle light, hinila ko iyong upuan niya, binuhusan ko ng wine iyong baso niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na masayang-masaya siya, at tol maniwala ka, mas masarap sa pakiramdam iyong nakikita mo ‘yong taong mahal mo na masayang-masaya dahil sa’yo. Binuksan ko iyong ulam, lalo siyang tumawa ng malakas, longganisang limang piraso, I Love You So Much!


Kumakain kami’t nagkukwentuhan, walang bulaklak, walang tsokolate, just the pure expression of sincere love.


Tinitigan ko siya sa mata, nakangiti kami. Nagsalita ako.

I love you.

Hinawakan niya mukha ko, ngumiti siya na parang isang prinsesa, at sinabi niya ang mga salitang kumumpleto sa araw ng mga puso.

Salamat, napasaya mo ako, I love you more.


Longanisa, kamatis, wine, saka kandila!