Madami yata akong nakain at tumaba
bigla ang utak ko. Bago ako mag-umpisa e gusto ko muna sana makiusap, kung
p'wede lang kapag hindi ka nakakaintindi ng 'satire' o iyong joke na totoo e
please lang h'wag mo na rin ituloy 'to! Ayos ba? Baka kasi hindi mo ko
maintindihan at lalong hindi rin kita maintindihan, at hindi porke hindi tayo
naiintindihan e artist na tayo.
So isusulat ko 'to sa isang dahilan
lang, para tumulong! Kanino?
Sa mga tsiks out there at sa mga
barakos some where!
Ano? Umpisahan na natin, teka kuha kang
tubig para pamparelaks, ako kinakabahan para sa'yo e!
Artikulo 1
Ligaw
Section 1. Kapag nakaispat ka ng prospek
e titigan mo lang, sundan mo ng tingin, suyurin mo lahat ng anggulo kung swabe
ba talaga.
Section 2. Gawan mo ng paraan para
makuha ang atensiyon ng mata niya, titigan mo tapos sa utak paulit-ulit na
isipin na 'akin ka na' para magreplek din sa mata mo.
Section 3. Kapag nagkatitigan na at
naulit iyon ng ilang beses ne medyo me lagkit, ngumiti kang bahagya, h'wag
sobra para 'di magmukhang manyakis tapos kapag yumuko, positive tol, me dating
ka rin sa kanya!
Section 4. Gusto ng mga tsiks ang hindi
torpe! Batas ng kalikasan iyan tol! Female psychology! Kaya kapag nasundan mo
na iyong Sections 1-3 e lakas loob mo na siyang kausapin o kunin ang number. Me
isa pang option, kung kaibigan mo iyong kaibigan niya, doon mo kunin ang number
niya.
Section 5. Kapag nakuha mo na, magtxt
ka, isang beses lang, magpakilala ka agad. H'wag ka parang tanga na kung
anu-ano pa sinasabi! Iritable ang tsiks kapag ganoon!
Section 6. Kapag magkatext na kayo e
h'wag na h'wag kang mag-demand ng oras niya! Tandaan mo wala ka pang karapatan
para gawin iyon!
Section 7. Kung madalas na kayong me
communication, iyong tipong close na kayo sa selpon e malaki na ang tsansa mo
na umubra sa kanya, hindi na magrereply iyan kung wala kang kwenta!
Section 8. Simple lan para replayan ka,
magpatawa ka, hindi ko alam i-distinguish iyong korni sa hindi, diskarte mno na
lang iyon, basta h'wag green, saka na iyong ganoon. Kapag natutuwa sa'yo iyan,
malapit na malapit ka na tol!
Section 9. Yayain mo na lumabas, kapag
pumayag, naku 50% ka nang me pag-asa. Kapag hindi, h'wag na h'wag mamilit.
konting push pa siguro sa pagpapakwela o pagkuha ng loob, bibigay din 'yan!
Section 10. Mag-ipon! Kelangan mo nang
pera kasi pampasiklab din iyon, mag-isip ka pa ng mga banat, patok din iyon. At
kapag nailabas mo, h'wag ka excited sa lahat, be gentle, be kind!
Section 11. Kapag masayang-masaya na
sa'yo magdrama ka na.
Heto mga sample na linya:
Banat: "Alam mo me sasabihin ako,
hindi ko kasi masabi sa taong gusto ko na mahal ko na siya."
Posibleng sagot: "Bakit?"
Banat: "Kasi nahihiya ako e at
saka baka masaktan lang ako."
Posibleng sagot: "Sino ba siya?"
Banat: "Ikaw"
Sabihin mo iyan sa seryosong tono, eye
to eye, walang kukurap! Ipakita mo na seryoso ka! At utang na loob h'wag kang
magtatanong nito:
"Kapag nanligaw ba ako e me
pag-asa ako!"
Ayaw ng tsiks sa ganyan, ewan basta
allergic sila sa mga ganyan!
Section 12. Siyempre natural lang na
medyo mailang sa'yo iyan pero kapag kumagat siya e ituloy-tuloy mo na. Kung
paano, bahala ka na basta huwag ka munang magdi-demand o maging bastos!
Section 13. Kelangan maging romantik ka
kahit ngayon lang. Kelangan din iyon minsan. Kung me pera ka mas maganda kasi
ang pagiging romantik ngayon ay pera-pera na lang. Kaya mo kasi bumili ng mga
bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pang gusto niya. Kahit lintik na album ng
KPop o ni Justine Bieber pa iyan patulan mo na!
Section 14. Kapag nasa climax siya ng
pagiging masaya sa'yo e doon mo siya kunan ng tiyempo para sagutin ka. Mga 75%
na sasagutin ka nga kapag ganoon. Tandaan mo lang na tamang tiyempo ang
mahalaga.. Hindi mo na kelangan ng magandang itsura, pag me kotse ka, naku
p'wede na iyan!
Artikulo 2
Kayo na
Section 1. Ilabas mo siya madalas!
Tandaan mo monthsary niyo! Tuloy-tuloy ha mga hanggang tatlong buwan saka ka
magkuripot!
Section 2. Pagdating ng ikatlong buwan
niyo p'wede ka na mag-demand! Me karapatan ka na niyan! Laki na rin ng gastos
mo e!
Section 3. Maaari na ring bumanat ng
'green' jokes! Kaso h'wag mo biglain, dapat sakto lang.
Section 4. Kapag bumigay siya sa berde
mong utak, hala sige tuloy-tuloy mo na. Yayain mo na sa rurok nang kaligayahan!
Section 5. Ang problema e kapag
tumanggi, madalas mangyari iyon lalo na sa mga Maria Clara. Me mga dialogue
naman diyan:
Banat: "Mahal mo ba talaga ako?"
Posibleng sagot: "Oo!"
Banat: "Sige nga patunayan mo
(erotika ito)!"
Posibleng sagot: "Hindi pa ako
handa e, bata pa ako at saka baka magalit parents ko!"
Banat: "Hindi kita pababayaan,
magtiwala ka lang!"
Kung ayaw pa rin, sige lang push pa,
bibigay din iyan. Tandaan mo, isang beses lang magyayaya ang barako, the rest e
tsiks na, lalo na kapag good performer ka!
Section 6. Bigyan mo siya ng oras,
p'wede ka maglaro ng DOTA pero SYOTA muna. Kung maglalaro ka man, h'wag ka nang
magpaalam kasi hindi ka niya papayagan, kuntsabahin mo lahat ng kalaro mo na
kakilala niya na sekret lang iyon! Maraming p'wedeng idahilan! Hanapin mo na
lang sa Google kung masyado kang tanga para walang maisip!
Section 7. Kapag galit siya, h'wag kang
patitimbog! Lintik na 'yan! Unahan mo nang galit! Sabayan mo! Iyong tipong ikaw
na me kasalanan e ikaw pa dapat amuhin!
Section 8. Kapag nahuli ka niyang me
iba. Utang na loob, h'wag na h'wag kang umamin! Kasi umamin ka man o hindi e
huli ka na! Walang puwang ang paliwanag! Kaya h'wag ka na lang umamin!
Section 9. After ilang araw siguro e
mag-sorry ka, tingin ka sa mata at me paawa epek pa! Kelangan talaga iyon
minsan, gawin mo na, artista ka naman di ba?
Section 10. Kapag matigas ang ulo niya,
itaas mo rin pride mo! Pataasan kayo! Ikaw iyong lalaki kaya h'wag kang
patatalo! Lintik na 'yan!
Section 11. Suyuin mo, lambingin,
bumanat ulit tapos bibigay din 'yan! Maniwala ka tol!
Section 12. Kung ayaw talaga, shit
punta ka na doon sa iba na nahuli niya sa'yo! H'wag ka mag-aaksaya ng oras sa
mga ganoon, kadaming tsiks diyan o! Pero dapat h'wag ka makipaghiwalay kapag
'di mo pa nakukuha ang gusto mo!
Artikulo 3
Hiwalayan
Section 1. Kung gusto mo na siyang
iwan. Maging iritable, painitin mo ulo mo kahit simpleng bagay lang! Laging
galit at masungit!
Section 2. Iparamdam mong hindi ka na
masaya! Sensitive ang mga tsiks pagdating sa ganyan! Ramdam nila agad iyan!
Section 3. Kapag nagtagumpay ka sa
Section 2, sila na mapapraning! Belib me!
Section 4. Pagpraning na, diskarte mo
na iyong kung paano ka babanat.
Me mga linya rin na existing na para
sayo:
Banat: "Ayokong mahirapan ka lang
sa'kin."
Posibleng sagot: "Bakit? Ano ba
problema natin?"
Banat: "Wala kang problema ako ang
me problema."
O kung hinayupak ka talaga at singkapal
ng 10 tons na anesthesia iyong tinira mo e p'wede rin naman ito:
"Masyado ka na kasing nakakasakal
e!"
"Hindi mo na lang ako iniintindi,
gusto mo ikaw lagi ang tama!"
"Bintang ka ng bintang hindi naman
totoo, nakakapagod ka na!"
Di ba? Ikaw na walang hiya nagmalinis
ka pa! Anak ng shit ka naman!
Section 5. Kahit kasalanan mo lahat,
magpanggap na galit! Kunwari ikaw ang kawawa!
Section 6. Hintayin mo na siya mapagod
sa kawalang-hiyaan mo! Tapos siya makikipag-hiwalay! Panigurado iyan!
Section 7. Mukha kang pinagsakluban ng
langit ngayon kasi iniwan ka ng tsiks mo! Pero edge mo iyan para makahanap ng
tsiks ulit!
Section 8. Lalabas ngayon na ikaw ang
kawawa at api! Ang tsiks ang kusang lalapit sa'yo para i-comfort ka! O kung
hindi man, magpa-comfort ka sa tsiks na kursunada mo! Kapag inalagaan ka,
lintik 70% na rin na rebound siya!
Section 9. Ang tsiks na iyon ang
susunod mong target!
Kapag ganyan ang syota mo, tol mag-isip
ka na!
Kaya ko nasulat iyan e para mabawasan
ang gago dito sa mundo! Iyong mga 'di makakabasa e malamang sa alamang ni Mang
Juan e mabibiktima! Kasalanan ko pa ba iyon? Ewan ko! Sana me napulot kang
moral (kung meron ka nga noon) e good for you kapag wala e normal lang iyon!
Tandaan! Ang suwerte mo kapag
nakakilala ka ng tsiks na makakapagbago sa'yo! At suwerte din ng tsiks na iyon!
Dahil ang tunay na nagmamahal, nagbabago!
