Powered By Blogger

8/30/2011

The Playboy's Handbook

Madami yata akong nakain at tumaba bigla ang utak ko. Bago ako mag-umpisa e gusto ko muna sana makiusap, kung p'wede lang kapag hindi ka nakakaintindi ng 'satire' o iyong joke na totoo e please lang h'wag mo na rin ituloy 'to! Ayos ba? Baka kasi hindi mo ko maintindihan at lalong hindi rin kita maintindihan, at hindi porke hindi tayo naiintindihan e artist na tayo. 


So isusulat ko 'to sa isang dahilan lang, para tumulong! Kanino?
Sa mga tsiks out there at sa mga barakos some where! 


Ano? Umpisahan na natin, teka kuha kang tubig para pamparelaks, ako kinakabahan para sa'yo e! 


Artikulo 1
Ligaw

Section 1. Kapag nakaispat ka ng prospek e titigan mo lang, sundan mo ng tingin, suyurin mo lahat ng anggulo kung swabe ba talaga.


Section 2. Gawan mo ng paraan para makuha ang atensiyon ng mata niya, titigan mo tapos sa utak paulit-ulit na isipin na 'akin ka na' para magreplek din sa mata mo.


Section 3. Kapag nagkatitigan na at naulit iyon ng ilang beses ne medyo me lagkit, ngumiti kang bahagya, h'wag sobra para 'di magmukhang manyakis tapos kapag yumuko, positive tol, me dating ka rin sa kanya!


Section 4. Gusto ng mga tsiks ang hindi torpe! Batas ng kalikasan iyan tol! Female psychology! Kaya kapag nasundan mo na iyong Sections 1-3 e lakas loob mo na siyang kausapin o kunin ang number. Me isa pang option, kung kaibigan mo iyong kaibigan niya, doon mo kunin ang number niya.


Section 5. Kapag nakuha mo na, magtxt ka, isang beses lang, magpakilala ka agad. H'wag ka parang tanga na kung anu-ano pa sinasabi! Iritable ang tsiks kapag ganoon!


Section 6. Kapag magkatext na kayo e h'wag na h'wag kang mag-demand ng oras niya! Tandaan mo wala ka pang karapatan para gawin iyon!


Section 7. Kung madalas na kayong me communication, iyong tipong close na kayo sa selpon e malaki na ang tsansa mo na umubra sa kanya, hindi na magrereply iyan kung wala kang kwenta! 


Section 8. Simple lan para replayan ka, magpatawa ka, hindi ko alam i-distinguish iyong korni sa hindi, diskarte mno na lang iyon, basta h'wag green, saka na iyong ganoon. Kapag natutuwa sa'yo iyan, malapit na malapit ka na tol!


Section 9. Yayain mo na lumabas, kapag pumayag, naku 50% ka nang me pag-asa. Kapag hindi, h'wag na h'wag mamilit. konting push pa siguro sa pagpapakwela o pagkuha ng loob, bibigay din 'yan!


Section 10. Mag-ipon! Kelangan mo nang pera kasi pampasiklab din iyon, mag-isip ka pa ng mga banat, patok din iyon. At kapag nailabas mo, h'wag ka excited sa lahat, be gentle, be kind!


Section 11. Kapag masayang-masaya na sa'yo magdrama ka na. 
Heto mga sample na linya: 

Banat: "Alam mo me sasabihin ako, hindi ko kasi masabi sa taong gusto ko na mahal ko na siya."

Posibleng sagot: "Bakit?"

Banat: "Kasi nahihiya ako e at saka baka masaktan lang ako."

Posibleng sagot: "Sino ba siya?"

Banat: "Ikaw"

Sabihin mo iyan sa seryosong tono, eye to eye, walang kukurap! Ipakita mo na seryoso ka! At utang na loob h'wag kang magtatanong nito:

"Kapag nanligaw ba ako e me pag-asa ako!"

Ayaw ng tsiks sa ganyan, ewan basta allergic sila sa mga ganyan!


Section 12. Siyempre natural lang na medyo mailang sa'yo iyan pero kapag kumagat siya e ituloy-tuloy mo na. Kung paano, bahala ka na basta huwag ka munang magdi-demand o maging bastos!


Section 13. Kelangan maging romantik ka kahit ngayon lang. Kelangan din iyon minsan. Kung me pera ka mas maganda kasi ang pagiging romantik ngayon ay pera-pera na lang. Kaya mo kasi bumili ng mga bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pang gusto niya. Kahit lintik na album ng KPop o ni Justine Bieber pa iyan patulan mo na!


Section 14. Kapag nasa climax siya ng pagiging masaya sa'yo e doon mo siya kunan ng tiyempo para sagutin ka. Mga 75% na sasagutin ka nga kapag ganoon. Tandaan mo lang na tamang tiyempo ang mahalaga.. Hindi mo na kelangan ng magandang itsura, pag me kotse ka, naku p'wede na iyan!


Artikulo 2
Kayo na


Section 1. Ilabas mo siya madalas! Tandaan mo monthsary niyo! Tuloy-tuloy ha mga hanggang tatlong buwan saka ka magkuripot!


Section 2. Pagdating ng ikatlong buwan niyo p'wede ka na mag-demand! Me karapatan ka na niyan! Laki na rin ng gastos mo e!


Section 3. Maaari na ring bumanat ng 'green' jokes! Kaso h'wag mo biglain, dapat sakto lang.


Section 4. Kapag bumigay siya sa berde mong utak, hala sige tuloy-tuloy mo na. Yayain mo na sa rurok nang kaligayahan!


Section 5. Ang problema e kapag tumanggi, madalas mangyari iyon lalo na sa mga Maria Clara. Me mga dialogue naman diyan:

Banat: "Mahal mo ba talaga ako?"

Posibleng sagot: "Oo!"

Banat: "Sige nga patunayan mo (erotika ito)!"

Posibleng sagot: "Hindi pa ako handa e, bata pa ako at saka baka magalit parents ko!"

Banat: "Hindi kita pababayaan, magtiwala ka lang!"

Kung ayaw pa rin, sige lang push pa, bibigay din iyan. Tandaan mo, isang beses lang magyayaya ang barako, the rest e tsiks na, lalo na kapag good performer ka!


Section 6. Bigyan mo siya ng oras, p'wede ka maglaro ng DOTA pero SYOTA muna. Kung maglalaro ka man, h'wag ka nang magpaalam kasi hindi ka niya papayagan, kuntsabahin mo lahat ng kalaro mo na kakilala niya na sekret lang iyon! Maraming p'wedeng idahilan! Hanapin mo na lang sa Google kung masyado kang tanga para walang maisip!


Section 7. Kapag galit siya, h'wag kang patitimbog! Lintik na 'yan! Unahan mo nang galit! Sabayan mo! Iyong tipong ikaw na me kasalanan e ikaw pa dapat amuhin! 


Section 8. Kapag nahuli ka niyang me iba. Utang na loob, h'wag na h'wag kang umamin! Kasi umamin ka man o hindi e huli ka na! Walang puwang ang paliwanag! Kaya h'wag ka na lang umamin!


Section 9. After ilang araw siguro e mag-sorry ka, tingin ka sa mata at me paawa epek pa! Kelangan talaga iyon minsan, gawin mo na, artista ka naman di ba?


Section 10. Kapag matigas ang ulo niya, itaas mo rin pride mo! Pataasan kayo! Ikaw iyong lalaki kaya h'wag kang patatalo! Lintik na 'yan! 


Section 11. Suyuin mo, lambingin, bumanat ulit tapos bibigay din 'yan! Maniwala ka tol! 


Section 12. Kung ayaw talaga, shit punta ka na doon sa iba na nahuli niya sa'yo! H'wag ka mag-aaksaya ng oras sa mga ganoon, kadaming tsiks diyan o! Pero dapat h'wag ka makipaghiwalay kapag 'di mo pa nakukuha ang gusto mo!


Artikulo 3
Hiwalayan


Section 1. Kung gusto mo na siyang iwan. Maging iritable, painitin mo ulo mo kahit simpleng bagay lang! Laging galit at masungit!


Section 2. Iparamdam mong hindi ka na masaya! Sensitive ang mga tsiks pagdating sa ganyan! Ramdam nila agad iyan!


Section 3. Kapag nagtagumpay ka sa Section 2, sila na mapapraning! Belib me! 


Section 4. Pagpraning na, diskarte mo na iyong kung paano ka babanat. 

Me mga linya rin na existing na para sayo:

Banat: "Ayokong mahirapan ka lang sa'kin."

Posibleng sagot: "Bakit? Ano ba problema natin?"

Banat: "Wala kang problema ako ang me problema."

O kung hinayupak ka talaga at singkapal ng 10 tons na anesthesia iyong tinira mo e p'wede rin naman ito:

"Masyado ka na kasing nakakasakal e!"

"Hindi mo na lang ako iniintindi, gusto mo ikaw lagi ang tama!"

"Bintang ka ng bintang hindi naman totoo, nakakapagod ka na!"

Di ba? Ikaw na walang hiya nagmalinis ka pa! Anak ng shit ka naman! 


Section 5. Kahit kasalanan mo lahat, magpanggap na galit! Kunwari ikaw ang kawawa!


Section 6. Hintayin mo na siya mapagod sa kawalang-hiyaan mo! Tapos siya makikipag-hiwalay! Panigurado iyan!


Section 7. Mukha kang pinagsakluban ng langit ngayon kasi iniwan ka ng tsiks mo! Pero edge mo iyan para makahanap ng tsiks ulit!


Section 8. Lalabas ngayon na ikaw ang kawawa at api! Ang tsiks ang kusang lalapit sa'yo para i-comfort ka! O kung hindi man, magpa-comfort ka sa tsiks na kursunada mo! Kapag inalagaan ka, lintik 70% na rin na rebound siya!


Section 9. Ang tsiks na iyon ang susunod mong target!


Kapag ganyan ang syota mo, tol mag-isip ka na! 


Kaya ko nasulat iyan e para mabawasan ang gago dito sa mundo! Iyong mga 'di makakabasa e malamang sa alamang ni Mang Juan e mabibiktima! Kasalanan ko pa ba iyon? Ewan ko! Sana me napulot kang moral (kung meron ka nga noon) e good for you kapag wala e normal lang iyon!


Tandaan! Ang suwerte mo kapag nakakilala ka ng tsiks na makakapagbago sa'yo! At suwerte din ng tsiks na iyon! Dahil ang tunay na nagmamahal, nagbabago!








2 comments:

karenchong said...

hayop!nabasa ko na..at OO 80% na nasagot nga ang tanung ko na kung BAKIT nga ba????salamat chong!astig!ang galing..sa susunod ulit :D

Boyong Aldana said...

animal ba chong! hahaha salamat din sa appreciation, mas astig 'yon! aha?