Ang hirap mamili...
Naiipit ako sa
isang desisyon kung ano ba talaga nararamdaman ko, hindi ko maitago sa sarili
ko na nahihirapan talaga ako, kusang lumalabas ang paghihirap na iyon. Ilang
beses ako nagpanggap na ayos lang ako, sa bawat tanong na iba kung ano ba
talaga nararamdaman ko, mahirap sabihin na, "heto, hirap na hirap na ko,
'di ko na kaya 'to."
Paulit-ulit na
lang akong bumabalik, hindi na natapos ang sakit - sakit na hindi ko naman
talaga alam kung ano ba pinagmulan, gusto kong sumabog, pumutok na parang
bulkan!
Nasa sitwasyon
ako kung alin ba talaga sa dalawa, dahil alam kong hindi p'wedeng pareho, dapat
isa lang. Napakahirap mamili, dahil alin man sa pipiliin ko, alam kong
masasaktan ako, no safe grounds. Masama bang maghangad ng kaginhawaan? Comfort
ang pinakaimportante sa buhay di ba? Ganoon siguro iyong ibubunga ng
pagkakamali, lubos na hangin, maling pagkain!
Ayoko na!
Pakiusap tigilan niyo na ko! Pagod na pagod at hirap na hirap na ko, puta ang
bitch! Ayoko na senyo pareho! Iwanan niyo na ako, lubayan niyo na ako utang na
lamang loob! Bigyan niyo na ako kalayaang gawin ang gusto ko, at hindi na
makaramdam pa ng sakit! Ang sakit-sakit na!
Ano ba talaga
'tong nararamdaman ko?
Kabag o
nagtatae na ako?

No comments:
Post a Comment