Me tanong 'yong estudyante ko kanina. "Teacher, is the end of the world real?" Patlang. Saglit akong napaisip, onga no? Is it real nga ba? What's the safest answer? Saglit na patingin sa langit. "Of course, but no one knows when would that be." Akala ko titigil na siya sa sinabi ko, pero sadyang malikot din utak nito, sumundot ulit siya nang panibagong tanong. "How?"
At diyan
nag-umpisa ang dahilan kung bakit ko isinusulat ito.
Me narinig
akong Biblical explanation kung paano magugunaw ang mundo, pero siyempre hindi
naman biblical 'tong blog na 'to, kaya nag-isip ako kung paano magugunaw ang
mundo.
* Uulan ng tae?
* Mangangamoy
anghit ang buong mundo?
* Muriatic Acid
Super typhoon?
* Magkakaroon
ng away ang mga Avengers, Gundams, at Transformers?
* Darating si
Cell, Frieza, Majinbo, at mga Androids para manggulo pero hindi pa rin binuhay
ng Dragon si Son Goku?
* Utot
Hurricane?
* Tubig-kanal
Tsunami?
* Worldwide
Septic Tank Eruption?
Hindi na ako
nagkaroon ng pagkakataon sagutin siya dahil sumingit na mga kaklase niya
katatanong tungkol sa topic namin for the day. Kung ikaw papipiliin ko? Paano
mo gustong magunaw ang mundo?

No comments:
Post a Comment