Powered By Blogger

1/23/2013

Mangaakit

sa ganda niya ako'y natulala
hinaplos ang kanyang laman at ako'y tinigasan
nanlamig ng bahagya ang aking kalamnan
hubog na kay rikit
perang inipit sa bulsa'y kinalawit
binili, ikaw na lubhang nakakaakit.
tinanggal dahan-dahan ang iyong damit
kalaunan ay dagliang pinunit
pagnanasa'y hindi mapigilan
agad dinilaan at nilawayan ang iyong makinis na laman
namasa ang lahat, nagtubig ka't nangamoy pa ang katas
hinagod pataas-baba, ninamnam ang bawat paghinga
pagod ay hindi na alintana, matikman lang kita
kumaga't sa labi't napahiyaw
sige pa - sige pa.
ay! ice cream pa!


3 comments:

Lady Fishbone said...

hehe. hmm. ice cream pa!!! :)

gord said...

buti hindi madumi utak ko! hahaha

Boyong Aldana said...

hahaha! mas malupit ang pa=ice cream ice cream na lang..hehe