Powered By Blogger

5/12/2014

Wala Na Ba Talaga

Wala na ba talaga?

Ito ang isa sa pinakamahirap na tanong na maaaring bitawan ng isang tao. Ipinipilit kasi natin na meron pa kahit wala na talaga. Para siyang pagmamakaawang wala naman na talagang patutunguhan – wala ng katuturan.


Minsan kahit mahal mo pa e dapat mo kalimutan, mas nangingibabaw na ang sakit kesa sa pag-ibig, hindi na tama ‘yon. Indeed, love is blind because sometimes we don’t know what is the right and what is wrong kind of love, mas gusto yata natin na nasasaktan tayo, mas gusto yata natin nahihirapan tayo. Kung kelan ka mas nagmamahal doon ka mas nasasaktan. Ano nga ba dapat nating gawin?



Acceptance.



Kung wala na talaga e wala na rin tayo magagawa, humiling man tayo ng himala kung ayaw na e hindi natin maaaring ipilit pa. Hindi siguro nararapat na isa lang ang lubusang nagmamahal at ang isa ay lubusang nakakasakit. Unfair ang pag-ibig.




Damhin mo lang ‘yong mga hirap, iyong mga sakit, mga gabing ‘di ka makatulog, mga pag-iyak mong hindi matapos-tapos, iyong sakit na hindi mo naman talaga alam kung saan nanggagaling. Pagtatawanan mo rin iyan balang araw. Titigil at ililipad din iyan ng hangin, papawiin ng lamig ng gabi. Ang tunay na pag-ibig ay hindi laging masaya, madalas lagi itong masakit.


Bigyan mo ang sarili mo ng panahon para makalimot, panahon para hanapin ang mga nawalang saya, at panahon upang ihanda ang iyong sarili sa panibagong pag-ibig na darating na maaaring magpasaya o manakit sa’yong muli.




At panghuli, maghanda ka ng maraming pera. Magastos mag-move on!

1 comment:

Senyor Iskwater said...

mabuti ka pa, sa pag-move on lang magastos...sa akin sa lahat ng stages... hayyyy.... is this my first time to visit dito sa blog mo? hmmnnn