Wala na ba talaga?
Ito ang isa sa pinakamahirap na
tanong na maaaring bitawan ng isang tao. Ipinipilit kasi natin na meron pa
kahit wala na talaga. Para siyang pagmamakaawang wala naman na talagang
patutunguhan – wala ng katuturan.
Minsan kahit mahal mo pa e dapat mo
kalimutan, mas nangingibabaw na ang sakit kesa sa pag-ibig, hindi na tama ‘yon.
Indeed, love is blind because sometimes we don’t know what is the right and
what is wrong kind of love, mas gusto yata natin na nasasaktan tayo, mas gusto
yata natin nahihirapan tayo. Kung kelan ka mas nagmamahal doon ka mas
nasasaktan. Ano nga ba dapat nating gawin?
Acceptance.
Kung wala na talaga e wala na rin
tayo magagawa, humiling man tayo ng himala kung ayaw na e hindi natin maaaring
ipilit pa. Hindi siguro nararapat na isa lang ang lubusang nagmamahal at ang isa ay
lubusang nakakasakit. Unfair ang pag-ibig.
Damhin mo lang ‘yong mga hirap, iyong
mga sakit, mga gabing ‘di ka makatulog, mga pag-iyak mong hindi matapos-tapos, iyong
sakit na hindi mo naman talaga alam kung saan nanggagaling. Pagtatawanan mo rin
iyan balang araw. Titigil at ililipad din iyan ng hangin, papawiin ng lamig ng
gabi. Ang tunay na pag-ibig ay hindi laging masaya, madalas lagi itong masakit.
Bigyan mo ang sarili mo ng panahon
para makalimot, panahon para hanapin ang mga nawalang saya, at panahon upang
ihanda ang iyong sarili sa panibagong pag-ibig na darating na maaaring
magpasaya o manakit sa’yong muli.
At panghuli, maghanda ka ng maraming
pera. Magastos mag-move on!

1 comment:
mabuti ka pa, sa pag-move on lang magastos...sa akin sa lahat ng stages... hayyyy.... is this my first time to visit dito sa blog mo? hmmnnn
Post a Comment